"May isang tulad mo pala na inilaan ng Diyos para sa akin. He made you exactly the way you are because of me."
Hindi ang tipo ni Kristoff ang pinangarap ni Toni na maging hero sa   buhay niya. Masyadong rugged at mayabang ito para sa panlasa niya. Kaya   ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malamang ito ang ipinadala sa   kanilang simbahan para maging guitar instructor ng music workshop kung   saan siya ang coordinator. Sinusubukan ba ng Diyos ang pasensiya niya   kaya si Kristoff ang ipinadala roon upang makasama niya sa proyektong   iyon?
Ngunit habang tumatagal na nakikilala niya ito, napagtanto  niyang hindi  naman pala talaga ito masamang tao. He could be sweet when  he wanted  to. Ang balak niyang pag-iwas dito ay hindi natuloy. Iba ang  sinasabi  ng kanyang puso at wala siyang magawa kundi pakinggan iyon.
Ngunit  paano kung ang lahat ng iyon ay pakitang-tao lang pala? Paano  niya  uutusan ang kanyang puso na kalimutan ito kung hulog na hulog na  iyon  dito?
 

 
No comments:
Post a Comment