“Mahal mo nga kaya ako dahil iyon ang bulong ng puso mo? O mahal mo lang ako dahil sinasabi ng isip mo dapat mo akong mahalin?”
Ang matinding pangangailangan sa pera ang nag-udyok kay Frecy na tanggapin ang alok ni Jigs upang maging PA nito. Kahit alam niyang wala itong mabuting maidudulot sa sistema niya ay pinakisamahan pa rin niya ito. Pero ipinangako niyang hindi siya mahuhulog sa patibong nito. Alam niya na may reputasyon ito bilang palikero dahil sa pagiging super friendly nito sa opposite sex.
Ngunit itinakda na nga sigurong mapabilang siya sa mga babaeng nababaliw dito dahil unang beses pa lang siyang nahalikan nito ay naitapon na niya agad ang kanyang katinuan. Hanggang sa namalayan na lamang niyang mahal na niya ito. Kaya kahit malabo ay umasa siyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Na may ibig iparating ang sweetness nito sa kanya.
Ngunit kung kailan handa na siyang magtapat dito ay saka naman bumalik si Celine sa buhay nito. His one and only love. Susugal pa ba siya o ipapaubaya na lang ito kay Celine dahil alam niyang doon ito magiging masaya?
No comments:
Post a Comment