Sa totoo lang kahit ako nahihirapan ding sagutin ang tanong na iyan. Nakapag-workshop na ako sa PHR pero may mga panahon pa ring tinatanong ko ang aking sarili kung paano nga ba magsulat ng isang nobela? Ano nga ba ang dapat tandaan at pag-aralan? Dumating kasi ako sa point na nawawala ako sa sinusulat ko at hindi na alam kung paano tatapusin o bigyan ng justification ang mga pangyayari. Hayz.
So, review ulit. Salamat kay Princess Faye at pinaalala niya sa akin ang foreshadowing. Paki-search na lang po kung ano iyon. Mas accurate kasi si Mr. Google kaysa sa akin eh. :P *peace* hehe.
Kaya somehow, gumawa ako ng sarili kong guidelines kung ano ang gagawin. Share ko sa inyo. This may or may not work. Wala pong guarrantee ito na success talaga ang ending pero ito ang ginagawa ko for MY manuscripts.
1. foreshadowing. Iyong idea ng possible major conflict nila mailahad mo na very briefly sa una pa lang. Kunwari sa meant to be my hero ko na novel, ang foreshadowing doon sa part ng lalaki ay iniwan siya ng kanyang mom noong bata pa siya kaya natatakot siya mag-commit sa isang relationship kasi baka iwan din siya. Very traumatic sa kanya ang experience na iyon. So ung past ng hero at heroine ay may malaking bahagi kung bakit sila nagre-react sa specific situations sa nobela mo. I also introduced an ex-gf doon ng hero na posibleng maka-cause ng prob in the future kase in love pa siya sa hero.
2. conflict. Kasi may foreshadowing ka na, madali na lang ipasok ang conflict. Like sa example ko, pinipigilan ng hero na ma-inlove sa heroine kasi nga natatakot siya na tulad din ito ng mom niya. So ang tendency, wala siyang sinasabi sa heroine about sa feelings niya at ang heroine naman ay nag-aasume lang na may something sa kanila kahit walang sinasabi ang hero. Then papasok uli sa eksena ang ex-gf ng hero at lalasunin niya ang isip ng heroine na hindi talaga ito mahal ng hero and so on. So ang heroine, aalis siya sa buhay ng hero na hindi nagpaalam. Doon papasok ang next which is separation.
3. separation. Ito iyong point of no return. Na pakiramdam ng heroine wala ng rason para manatili siya sa hero. O kaya may malaking dahilan kung bakit magkakalayo sila. Ang binibigay ko lang na example ay sa nobela ko. Hindi kasi ako mahilig sa komplikadong problema eh. hehe Hindi katulad ng magagaling na writers.
4. resolution. Paano mo pagbabalikin ang dalawang taong pinaglayo mo as the writer? sa example ko, sinundan ng hero ang heroine at nagtapat siya ng feelings. dito mo rin bibigyan ng solution ang ibang problema like ung insecurity ng hero dahil iniwan siya ng kanyang mommy before. Sa kwentong ginawa kong example, pinabalik ko sa eksena ang mom ng hero at humingi ito ng tawad sa kanya. Nag-reconcile sila. At na-realize din ng ex-gf ng hero na ndi na siya ang mahal ng hero kundi ang heroine na.
Hay. Sana nakatulong ako. I know magulo ang sinasabi ko pero sana may napulot kayong kahit kaunting aral. hehe
~janikka
I hereby agree that all statement above is correct and original from the heart of Miss Janikka Bernardo :) More Power Jan <3 keep inspiring people.
ReplyDelete-tin-tin Cadavez <3
thank you. ^_^
ReplyDelete