Saturday, November 20, 2010

Si A

I remembered him today. Naghalungkat kasi ako ng mga lumang notebooks na dinala ko pa galing Davao. Yep, you guessed it, those were my poem notebooks. And three of them were dedicated to only one man. Si A. My ex-bestfriend.

Siya ang lalaking nangako sa akin na liligawan ako when I turn twenty-six. Remember Meant To Be My Hero? If you have read it, you will know his real name. Siya rin ang lalaking nanghingi sa akin ng number para sa soccer uniform niya, just like Anton and Keira in Born For Me. Binigyan ko siya ng number 02 kasi the letter B is the second letter in the alphabet. Sa mga hindi nakakaalam, initial ko po ay letter B pero sekretong malupit na lang iyon.

Siya ang seatmate ko mula first year college hanggang 3rd year, kasi sort of cold treatment na kami pagdating ng 4th year if my memory is right. Siya ang madalas kong ka-LQ at madalas nakakasabay sa kulay ng suot na shirt kapag free day. Siya ang madalas pumupuslit ng chocolate coated marshmallows at iba pang candies sa bag ko kapag umaalis ako. Siya ang madalas na nagdo-drawing ng anime sa notebook ko na tinatago ko naman at kulang na lang ay ipa-frame. Siya ang madalas na nakakasabay ko palabas ng gate at naghahatid sa akin sa sakayan ng jip. Madalas nagpapaka-lonesome ako para samahan niya. Kung hindi ba naman ako emotera. Siya ang madalas na kakulitan ko sa canteen until everyone would simply stare at us and say that we are so sweet. Siya ang lalaking niyakap ko sa play namin not only because the scene called for it but because sa play ko lang siya mayayakap ng mahigpit. Siya ang first dance ko kahit halatang pareho kaming hindi marunong ng slow, formal dance. We prefer hiphop kasi.

Sa kanya ako natuto kung paano maging martir at magkunwaring hindi affected kahit pa deep inside, nalulunod na sa luha ang puso ko. Naks, me genon?! Sa kanya ako natutong magdrama at mag-emote lalo na kapag feeling ko, he is making fun of my feelings porke alam niya. Nakakatuwa nga kasi halos lahat ng AB Language and Lit students from first year to fourth year ay nakakaalam na mahal ko siya kahit pa hindi ko naman pinagsigawan iyon, muntik nga lang. Siya ang lalaking hanggang ngayon ay kinukumusta ng Mommy ko kahit alam niyang matagal na kaming hindi nagkikita. Siya ang lalaking madalas kong ka-date sa sementeryo tuwing All Souls Day at All Saints Day. Boy Scout kasi siya at volunteer ng ganoong ka-ek-ekan kaya naman ang tingin ko sa kanya noon ay hero ko. Kilala na siya ng buong angkan namin kasi nakikikain siya sa puntod ng lola at lolo ko kung hindi ba naman siya kapalmuks. At ako naman ay tuwang-tuwa, kulang na lang hilingin ko na sana Araw ng mga Patay palagi kasi sobrang nice siya kapag wala ang mga kaklase naming madalas nang-iintriga sa amin.

Siya. Ang ex-bestfriend ko. The ex-hero in my life. The ex-man of my dreams. Naaalala ko siya kasi sa tingin ko, panahon na para isulat ko ang kwento namin at bigyan iyon ng magandang ending. Yung tipong 'what if…' hehehe. At sana sa mga nakakakilala sa kanya, tulungan ninyo akong maalala ang masasayang sandali sa buhay namin. I can't change the bad ones but the good ones are worth sharing. Hehehe.

At ako na ang adik ngayong gabi.

No comments:

Post a Comment