Wednesday, October 6, 2010

THE PERFECT LOVE STORY teaser

Hindi ang tipo ni Kristoff ang pinangarap ni Toni na maging hero. Rugged kasi ito at masyadong mayabang for her taste. Kaya labis siyang nagulat nang malamang ito ang pinadala sa River Of Love Community Church upang maging guitar instructor ng music workshop kung saan siya ang coordinator. Sinusubukan ba ng Diyos ang pasensiya niya kaya si Kristoff ang ipinadala roon upang makasama niya sa proyektong iyon?

Ngunit habang tumatagal ay nakikilala niya ito. Napagtanto niyang hindi naman pala talaga ito masamang tao. He can be sweet when he wanted to. Ang balak niyang pag-iwas dito ay hindi natuloy. Iba ang sinasabi ng kanyang puso at wala siyang magawa kundi pakinggan iyon. Ngunit paano kung ang lahat ng iyon ay pakitang-tao lang pala? Paano niya didiktahan ang kanyang puso na kalimutan ito?

3 comments:

  1. thanks nica. nagcomment ka pala. hehe. <3

    ReplyDelete
  2. Such a nice story!!! (Clap, Clap)
    pinaiyak ako ni Kristoff nakakatouch talaga ang stroy nila ni Tony.
    Sayang lang hindi ko pa nababasa and "Meant To Be My Hero". Yun na lang ang kulang ko sa lahat ng books mo under PHR. (huhuhuhu)

    ReplyDelete