Tuesday, October 12, 2010

My Number One Fan (Working Title)

Ji Geun Park: We need to talk. Where do we go from here?

Alam ko na kung paano bubuksan ang kwento mo. I know you are the friendliest guy sa lahat ng miyembro ng Southern Fever. You're also the nicest. Pero parang nag-iba ka the moment you met Frecy. You were suddenly on your guard. Natakot ka ba talaga sa kanya o sa sarili mong nararamdaman? What exactly did you feel anyway? Was it unexplainable? Sa anong paraan? Hindi ba sanay ka naman na hinahabol ka ng mga babae? Hindi ka nga lang kumportable na ikaw ang hinahabol dahil mas gusto mo ikaw ang naghahabol especially if you really like a girl so much. What's with Frecy at nagiging defensive ka bigla? Parang nagkabaliktad tuloy kayo ni Kristoff or maybe, mas tamang sabihin na nahawa ka na yata kay Kristoff sa pagiging moody. Do you even know what that word means?
Okay, given that Frecy scared the hell out of you in ways beyond your imagination. What are we going to do about it? How are we going to proceed with your story? Itutuloy ko ba ang nauna kong draft na hihilain mo palabas si Frecy kasama si Marga? You would offer to help solve her financial problem dahil iyon lang naman ang dahilan kung bakit nakikipagpustahan siya diba? At nagagalit ka sa kanya dahil may gana pa siyang makipaglaro ng billiards against those guys samantalang halos mabaliw ka na sa kakaisip sa kanya at sa mga mata niyang hindi maalis sa utak mo. That's why you were so pissed off, right? Pero siyempre kahit pissed off ka sa kanya at natutukso ka nang pilipitin ang leeg niya for torturing your mind day and night, heto at nag-offer ka pa na tulungan siya. Inalok mo siya na maging sentinel ng bahay mo at kapalit niyon ay ang perang pantubos ng bahay nila. In short, siya ang tatao sa bahay mo kapag wala ka. Safe naman ang village ninyo at may security cameras pa nga sa bahay mo pero iyon lang ang maisip mong trabahong ibigay sa kanya. Tinanggap niya pero ang sabi niya maninilbihan na lang daw siya kaysa tutunganga maghapon at magmukhang poste. Lihim kang natawa kasi sa payat niyang iyon, mukhang may potential nga siyang maging poste. Pero siyempre, hindi mo ipapakita sa kanya na naaaliw ka. Sekret mo lang iyon dahil ang totoo, gusto mo lang siyang makita at makasama. Kahit minsan sa remote access ng security camera mo lang nakikita ang mukha niya ay masaya ka na. Saka ka lang tumatawa kapag hindi siya nakatingin.

So, ano na, Ji Geun Park? Okay na ba tayo? Kahit buhol-buhol ang Hangul mo, sisikapin mong kumanta ng You Raise Me Up para sa kanya ha one of these days ha? Iyong Korean version? Problema mo nang maghanap ng lyrics niyon in Korean no! Pahihirapan mo pa ako! :)

~wish me luck na makayanan ko ang transformation mo from a good guy to a monster nang dahil lang kay Frecy. Tsk! :)

1 comment: