Friday, May 6, 2011

My Perfect fake Boyfriend

Heto, sinisimulan ko na ang kwento ni Justin Cray Gonzales. Gitarista siya ng Emerald Frost pero marunong din siya tumugtog ng violin. O ha? San ka pa? :P

Kunwari, masaya daw ako habang sinusulat ko ito. Kunwari, ini-imagine ko na si Cray at si ***** ay iisa. Playboy din kasi si Cray. Hay naku. Bakit ba may mga lalaking ganon? At bakit ba may mga babaeng tulad namin ni Danica na sa kabila ng lahat, nagmamahal pa rin kahit ginagago na. Love talaga. Napaka-unexplainable. Sinasabi ng isip na kailangan na siyang iwan pero ang puso ay pasaway. Palaging may sariling agenda. Hindi daw kasi siya nag-iisip. Nakikiramdam lang. Pwede tayong magdalawang-isip pero hindi pwedeng magdalawang-puso. Kung pwede lang sana...

Anyway, nalilito pa ako sa ending nina Cray at Danica. Parang may something kulang. Parang bitin na hindi ko maintindihan.

+wish me luck.

~janikka

No comments:

Post a Comment