One of my previous posts was about the novel I submitted to PHR.  I can still remember my apprehension back then and the self-doubt along with it.  Yet, I kept hoping God would answer my prayers this time.  And he did.
Last night, my editor texted me about the approval of my manuscript.  I cannot explain exactly how I felt.  I cried, I laughed and if not for the hour, I would have shouted out my happiness.  The word happy is an understatement.  I was ecstatic.  Now I know how it feels to finally see the fruit of my hardwork.  The feeling is very overwhelming, something I'd like to feel over and over again.
Meant To Be My Hero finally made it.  At kung susundin nila ang teaser ng kwento, heto po iyon:
“Gusto kong mabura sa isip mo ang pangit na nangyari. Gusto kong palitan ng mas magandang alaala…” 
“Kapag twenty-six na tayo at wala ka pa ring boyfriend, liligawan kita.” Iyon ang pangako ng kababata niyang si Albert walong taon na ang nakalipas. At ngayong malapit na siyang tumuntong sa twenty-seven ay napagdesisyunan niyang muling magpakita rito upang singilin ito sa pangakong iniwan nito noon. 
Ngunit sa pag-uwi niya sa Pilipinas ay nalaman niya ang dahilan kung bakit ni hindi man lang siya nito hinanap at kinumusta. Dahil nag-asawa na pala ito. Devastated, she left him alone dahilan ng muntik na niyang pagkasawi. Doon niya nakilala si Bryan. Vocalist ito ng bandang Southern Fever at sa kabila ng wirdong istilo nito sa pananamit, natagpuan na lamang niya ang sariling humahanga rito. 
Niyaya siya nito na manatili sa poder nito pansamantala, habang naghihintay siya ng available flight pabalik ng New York. At upang mapalitan daw ng magagandang alaala ang pangit na pangyayari sa buhay niya. Hindi niya matiyak kung bakit siya pumayag. Ayaw lang ba niyang iwan itong mag-isa o nakasanayan na niya ang yakap nito na nagpaphilom sa sugatan niyang puso? 
Nevertheless, she opted to stay. Before she knew it, pangalan na nito ang itinitibok ng kanyang puso. She fell in love with him and she was fine with it. Ang pag-ibig niya rito ang naging daan upang tuluyan na niyang mapatawad ang lalaking una niyang minahal. 
Ngunit may isang bagay siyang natuklasan sa pagkatao nito. Kung bakit sa kabila ng namagitan sa kanila ay hindi man lang ito nagpahayag ng damdamin sa kanya. Muli ay tila nagkapira-piraso ang puso niya. Mas matindi pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon kesa noong una siyang nagmahal at nasaktan. 
Pinaglalaruan nga lang ba siya nito gaya ng sinusumbat ng kanyang utak? Kanino siya mas maniniwala? Sa sigaw ng kanyang isip o sa awit ng kanyang puso? 
 

 
No comments:
Post a Comment