Friday, April 30, 2010

Rain in My Summer


Trial and error. Build, destroy and rebuild. Isn't this what life is all about?

Well, this is what I figured out while editing Rain in My Summer. When I first received notification that the manuscript was for major revision, I felt so bad. It felt as if what I got was a rejection slip because, come to think of it, a major revision is still a revision. Certain parts of the story doesn't fit. There are more questions than answers as to why the main characters did one thing and felt another. And I didn't want to look at the notice too much it just gives me a throbbing headache. The kind that just wouldn't leave regardless of how many times you take an analgesic.

My mind's first reaction was anger. Not with my editor but with myself because I compromised. I didn't edit the manuscript well. I just wrote it and once it was done, I submitted it right away. It was only now, six months after, that I looked at it again and reviewed the flaws. My flaws. Indeed, there are parts of the story that lack emotion, the truth factor, romance factor, etc.

So here I am on editing mode. I guess, since I just can't stop blogging, and I'm officially addicted to the internet, so I might as well post my edited version here:

“NIKKI?” narinig niyang boses ng binata dahilan ng mabilis niyang pagdilat. Agad tumambad sa kanya ang nakangiting mukha nito. May dala itong electric lamp na ipinatong nito sa ibabaw ng bedside table.

She had been praying for hours mula nang inutusan siya ng lalaki na bumaba na. Kanina, naramdaman niyang unti-unti nang dumalang ang kulog at kidlat. Medyo humina na rin ang ulan at ang pag-indayog ng yate. But she couldn’t be certain. Dahil hindi pa bumaba si Brad upang kumpirmahing ligtas na nga sila.

Ngayon lang. Ngunit sa halip na magbigay ito ng weather update ay lumapit lang ito sa kinauupuan niya at niyakap siya nang mahigpit.

“Why are you crying?” tanong nito at mabilis na pinahid ang kanyang luha. Ni hindi niya namalayang umiiyak siya.

“I-I’m scared,” pag-amin niya rito. This time, hindi na niya napigilan ang mapahikbi. Marahil dahil sa nararamdamang takot kaya hindi niya namalayang tumutulo na ang kanyang luha. Lalo pang humigpit ang pagyakap nito. At lalo rin niyang isiniksik ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki.

“Shh…don’t worry. Nandito na ako. Hindi naman kita iiwanan eh,” pang-aalo nito sa kanya.

“Bakit ang tagal mong bumaba?”

“Hinintay ko munang tumila ang ulan at magbigay ng clear signal ang coast guard bago ko ibinaba ang anchor. We’re safe now. We’ll just wait for my team to get here in the morning and to repair the damage,” sagot nito. Somehow nakahinga siya ng maluwag sa narinig. At least her prayers were answered.

“B-bakit nga pala may kama ka dito?” naisipan niyang itanong at muling naupo. Naupo na rin ito sa kanyang tabi at matamang nakatitig sa kanya.

“Kapag nagpa-patrol kami sa dagat, shifting kami. Ang iba, natutulog habang ang iba naman ay nagbabantay sa itaas. Nangingisda rin kami kung trip namin,” sagot nito. Pinukulan niya ito ng nagdududang tingin.

“M-may babae din kayong dinadala dito?” Hindi mapigilang tanong niya.

Ngunit tumawa lang ito na tila ba amuse na amuse sa tanong niya. “You’re jealous?”

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Ano?! Nagtatanong lang naman ako, selos na ba iyon? Saka, kung ayaw mo sagutin, eh di huwag,” aniya and turned away from him.

Ngunit muli siyang hinarap ito at kinabig pabalik sa mga bisig nito. “All boys group kami. Kapag nasa trabaho, bawal ang mga babae. Ikaw pa lang ang unang babaeng nakapasok dito,” anito sabay kintal ng halik sa kanyang ulo.

Lihim siyang napangiti sa narinig. Ibig sabihin, espesyal siya. Sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa dito, siya lang ang pinili nitong maisakay sa yate nito. O, diba? Sosyal!

Muli ay narinig niya ang tila aliw na aliw na tawa nito. Kunut-noong tumingala siya rito.

“What’s so funny? Pinagtatawanan mo ba ako?” ngalingaling batukan niya ang guwapong ito.

“Hindi ko akalaing kulog at kidlat lang pala ang katapat mo. Kung alam ko lang, sana sa halip na inaaway mo ako noon ay niyayakap mo ako nang ganito.”

Malakas na hinampas niya ito sa dibdib. “Heh! Tumigil ka nga. Kung ayaw mong magpayakap, bahala ka!” aniya at mabilis na kumawala sa mga bisig nito. Lalo pang lumakas ang tawa ng binata at muli ay natagpuan niya ang sariling nakakulong uli sa mga bisig nito. Napasandal ito sa headboard ng kama with her in his arms. Ah, ang sarap nang pakiramdam. Libre tsansing!

“M-may magagalit ba kapag nakayakap ako sa'yo?” tanong niya pagkuwan.

“Wala. Ikaw lang.” Muli ay hinampas niya ito sa dibdib.

“Sira ka talaga,” aniya.

Isang malakas na tawa lang ang isinagot nito. Muli siyang nagsumiksik sa dibdib nito, inhaling his familiar masculine scent. And again, she like the feel of his arms around her. Pakiramdam niya ay niyayakap na rin nito pati ang puso niya. Wala nang ibang tinitibok iyon kundi ang pangalan nito.

Ilang sandali pa ay muli siyang tumingala dito. His eyes were closed and he looked so peaceful habang nakapikit. Napabuntunghininga siya. Never in her wildest fantasies na makakasama niya ito at mayakap. Parang kailan lang nang isinumpa niyang sisirain niya ang araw ng binata. Naalala pa niya ang pangako niya sa sarili noon.

I’ll make sure na ako ang makikita mo everyday of your life and you will be miserable!

Isang bagay na hindi nangyari dahil sa halip na gawin niyang miserable ang buhay nito ay siya ang nabighani rito. He just made her fall for him without even trying. Everything is effortless. Her plan to drive her away from the island failed. Instead, lalo itong lumalapit sa kanya hanggang sa sinakop na nito nang buong-buo ang puso niya nang hindi niya namamalayan. It was only now that she can finally admit to herself about what she really feels.

And yes, it was love all along. At bago pa niya mapigilan ang sarili ay inilapit niya ang bibig sa pisngi nito, giving him a chaste kiss.

He opened his eyes. Diretso sa kanya ang tingin nito. Agad dumoble ang tibok ng kanyang puso.

"What was that for?" pabulong na tanong ng binata. Napalunok muna siya bago sumagot.

"W-wala. I-I just want to say t-thank you. For...for being here." There. She said it. Siguro naman ay makuntento na ito. But his eyes simply held her captive. Suddenly, there were just the two of them. Time, seasons, everything, stopped. Even her breathing. Hanggang sa namalayan na lamang niyang mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya.

"I have a much better idea," bulong nito before claiming her lips. At nahugot niya ang hininga sa paghalik nito. Inamin na ba niya na masarap itong humalik? His kisses just make her melt. Maingat na maingat ito, na tila ba isa siyang mamahaling bagay na hindi nito hahayaang mabasag. No one, not even her exboyfriend had made her feel this way.

No comments:

Post a Comment